METRO MANILA, Philippines — Inilunsad nito lamang nakaraang Setyembre 30 ang Future Innovation Management Academy (FINMAC) San Juan branch.
Ang FINMAC San Juan, na matatagpuan sa 226 Wilson Building, San Juan, Metro Manila, ay isa lamang sa mahigit sampung branches ng institusyon, kabilang na ang kanilang mga lokasyon sa Calamba, Lucena, Butuan, Caloocan, at iba pang mga lokasyon na malapit na magbukas.
Pinangunahan ito nina FINMAC President Ptr. Rosseller Sarte, Brian Poe Llamanzares, FINMAC Vice President Mr. Adrian Tolentino at FINMAC Expert Consultant Mr. Frederick Sabater.


Ang FINMAC ay ang pangunahing institusyon na naglalayon na makapagbigay ng malawak na kaalaman sa mga Pilipino tungkol sa Forex and Derivatives trading upang maging negosyanteng trader o makapagtrabaho sa trading industry.
Ito rin ang kauna-unahang Forex and Derivatives trading academy na nag-apply para sa TESDA program accreditation kung saan tiniyak nila na dalubhasa ang mga instructor ng FINMAC sa trading sector.
Nahahati ang FINMAC’s Forex and Derivatives Program sa tatlong parte, ang Affiliate Learning Program 1 (ALP1), Master Class (ALP2), at Apprenticeship (ALP3).
Sa susunod na taon, bukod sa TESDA government funding, inaasahan din ang mga malalaking investors mula sa ibang bansa na tutulong sa FINMAC upang mas marami pang Pilipino ang mapalawak ang kanilang kaalaman sa Forex and Derivatives trading at financial literacy.
Sa ngayon, nagsasagawa ang FINMAC ng libreng Forex and Derivatives trading workshop tuwing biyernes, 5:30 PM. Inaanyayahan ng FINMAC ang mga nais dumalo na tumawag sa kanilang hotline number, (+63) 956 850 5132 / (+63) 985 242 9567 o bisitahin ang kanilang website, http://www.finmacacademy.com.

