By: Frances Pio

––

Gumuho ang isang tulay na ginagawa pa lang sa Barangay Magsaysay sa Marilog District, Davao City bandang 8 a.m. ng umaga nitong Biyernes na ikinasugat ng dalawang manggagawa, sinabi ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Davao.

Sinabi ni Dean Ortiz, DPWH-Davao Public Affairs and Information Officer, na iniimbestigahan ng ahensya kung bakit gumuho ang istruktura, na bahagi ng flood control project.

Sinabi niya na nagsimula noong Disyembre 2020 ang pagtatayo ng proyekto ng Kulafu River Bridge, na tinatayang nagkakahalaga ng P93.7 milyon, ngunit idinagdag na dahil ito ay isang hindi pa natatapos na proyekto, ang kontratista, ang Monolithic Construction and Concrete Products Inc., ay maaaring muling itayo ito “nang walang gastos mula sa gobyerno.”

Sinabi niya na ang mga nasugatan na manggagawa ay dinala sa isang ospital para sa paggamot. Idinagdag niya na ang contractor ay magbibigay ng tulong sa mga biktima. Aniya, ang pagkumpleto ng proyekto ng tulay ay target diumano sa ikalawang linggo ng Marso ngayong taon.

Leave a Reply