By: Frances Pio

––

Hindi tatanggalin ni Lapu-Lapu City Mayor Junard “Ahong” Chan ang pagpapatupad ng curfew sa lungsod. Gayunpaman, sinabi ni Chan na papaluwagin lamang ng lungsod ang pagpapatupad nito, matapos mailagay na sa alert level 2 ang lungsod dahil sa pagbaba ng kaso na naitala dahil Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Nauna rito, inalis na ng Mandaue City ang pagpapatupad ng curfew nito, habang pinag-iisipan din ng Cebu City at Probinsya ng Cebu ang naturang hakbang.

Nilinaw din ng alkalde na dahil isang ordinansa ang curfew, kakailanganin nila ang interbensyon ng konseho ng lungsod sa pagtanggal ng patakaran.

Leave a Reply