By: Francis Pio
Malapit nang mag-alok ang gobyerno ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga transport terminal at istasyon ng tren sa gitna ng pagtaas ng mga impeksyon dahil sa coronavirus, inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang hakbang ay isang pagsisikap na gawing mas madaling makuha ng mga tao ang mga bakuna.
“Sa mga susunod na araw din ay ilulunsad ng DOTr (Department of Transportation) ang vaccination sites sa mga istasyon ng tren, pantalan, at maging sa tollways,” sinabi ni Nograles sa isang press briefing.
Magiging available rin ang mga bakuna para sa COVID-19 sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) mula Enero 24 hanggang 28.
Sinabi ni Nograles na 500 AstraZeneca vaccine doses ang ilalaan kada araw sa pagbabakuna sa PITX sa susunod na linggo. Ang aktibidad, na tinatawag na “We Vax As One: Mobile Vaccination Drive,” ay magbibigay-daan sa mga walk-in, na anh pagpaparehistro ay gawin onsite.
