By: Frances Pio

Iniutos ni Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno sa frontline health workers ng city hall na dalhin ang lahat ng kaso ng COVID-19 sa mga lokal na pasilidad para sa quarantine habang patuloy na dumarami ang mga impeksyon sa lungsod at sa ibang lugar sa Northern Mindanao.

Ang utos, na ginawa noong Miyerkules, Enero 19, ay pag-uulit ng hard-line policy ng city hall sa pagkuha ng mga nahawahan sa kasagsagan noon ng COVID-19 surge na matatandaang nagdala sa health system ng lungsod sa bingit ng pagbagsak noong 2021.

Ang utos ni Moreno ay para sa mga asymptomatic at sa mga natuklasang may mild, moderate, at severena sintomas, lalo na sa immunocompromised. Batay sa utos, ang asymptomatic at ang mga may mild na sintomas ay sasailalim sa quarantine sa loob ng pitong araw, at 10 araw para sa hindi nabakunahan at ang mga hindi pa nakakatanggap ng kanilang pangalawang doses.

Leave a Reply