By Christian Dee

MAYNILA – Kanselado ang ilang flights ngayong Lunes, Marso 13, base sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ito ay dahil sa masamang panahon bunsod ng hanging amihan at ng low pressure area (LPA).

Sa abiso ng MIAA nitong alas-11:15 ng umaga, inanunsyo na kanselado ang mga sumusunod na flights dahil sa kondisyon ng panahon.

Cebu Pacific (5J):

  • 5J 196 Manila-Cauayan
  • 5J 197 Cauayan -Manila
  • 5J 781 Manila-Ozamiz
  • 5J 782 Ozamiz -Manila

Ang hanging habagat at LPA, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ay magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Leave a Reply