By Frances Pio

––

Sugatan ang isang Grade 12 student matapos siyang saksakin ng Grade 7 student sa Zamboanga City High School Main sa Barangay Tetuan sa Lungsod ng Zamboanga noong Lunes, Setyembre 19.

Ang 19-anyos na Grade 12 student ay pinagsasaksak umano ng 18-anyos na Grade 7 student sa braso gamit ang ice pick sa loob ng Building E ng Zamboanga City High School Main dahil sa away sa isang barangay basketball game na nilahukan ng dalawang estudyante.

Dinala ang sugatang estudyante sa lokal na ospital habang ang mga magulang ng parehong estudyante ay tinawag sa Zamboanga City Police Station 6 para sa pagtatanong.

Tumanggi ang pulisya na ibunyag ang mga pangalan ng mga estudyante habang naghihintay na matapos ang imbestigasyon.

Hindi pa maipaliwanag ng mga opisyal ng Zamboanga City High School kung paano nakapagdala ng ice pick ang isang estudyante sa loob ng school premises.

Leave a Reply