Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sumulat ng mensahe ang aktres na si Iza Calzado para sa kanyang inang namayapa 21 taon na ang nakalipas.

Anang aktres sa kanyang Instagram post, wala siyang klarong alaala sa kanyang pagkabata pero nakatutulong ang larawang gaya ng kanyang ibinahagi na mabuhay muli ang alaala.

To be honest, I don’t have a lot of clear memories of my childhood. Photos like [this] help keep memories alive. They help keep you alive in my heart. Wish we had more photos, more time together,” ani Calzado.

21 years now since you left this world, yet it seems like you always make sure I turn out well. I know a lot of what’s happened in my life are dreams you had for yourself and for me. When I experience those moments, I truly feel your guiding light,” dagdag pa niya.

Hiling naman ng aktres ang gabay at suporta ng kanyang namayapang ina sa kanyang preparasyon sa pagiging isang ina.

Ibinunyag rin ni Iza sa liham na ito na isang babae ang inaasahan maging anak nil ani Ben Wintle.

Malayo pa ang lalakbayin ko at alam ko kasama kita dahil ang nanay, pumanaw man sa mundo, hindi kailan man iiwan ang kanyang anak. Ikaw ang nagpatunay nito. I love you, Ma,” pagtatapos ng liham ng aktres.

Leave a Reply