By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na simula ngayong araw ay 24/7 na ang operasyon ng Libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Ayon sa LTFRB, inilunsad ang hakbang na ito bilang tugon dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga bumabiyahe ngayong Christmas Season.

Ang nasabing operasyon ay hanggang ika-31 ng Disyembre 2022.

Dagdag pa rito, ang 24/7 na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, ay ayon sa inilabas na Board Resolution No. 174 at No. 176 s. 2022, kung saan 100 na mga pampublikong bus ang inaasahang bilang ng tatakbo sa mas pinahabang oras ng operasyon nito, mula alas-11:01 ng gabi hanggang alas-3:59 ng madaling araw.

Samantala, 650 naman na mga Public Utility Buses (PUBs) ang inaasahan mula alas-4:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi.

Pinasalamatan naman ng LTFRB ang mga katuwang nitong mga ahensya ng pamahalaan gaya ng InterAgency Council for Traffic (IACT), Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG), Land Transportation Office (LTO), Philippine Coast Guard (PCG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Leave a Reply