By: Jude Sagun

MANILA, Philippines — Bulung-bulungan ngayon ng mga netizen ang posibleng pagkakamabutihan ng singer-actor na si James Reid at Filipina-America model na si Kelsey Merritt, matapos makunan ng larawan ang pagiging sweet nila sa isa’t-isa sa Los Angeles California. 

Nakita ang mga larawan sa gossip site na Fashion Pulis, kung saan makikita na tila nag-uusap ang dalawa habang nakasakay ng kotse si Kelsey, at bineso naman ito ni James nang tila paalis na ang model sa lugar. 

Hinala ng mga netizen, posibleng may namamagitan na sa dalawa, ayon naman sa ilan, mukhang magkasama lamang daw ang dalawa para sa proyekto. 

Parte si James ng international label and artists management Transparent Arts na nakabase sa L.A. 

Kamakailan din nang maiugnay ang aktor sa Kpop Idol na si Jewel McDonie ng Momoland.

Leave a Reply