By Frances Pio
––
Nanumpa ang aktor na si Javier Miguel “Javi” Benitez bilang pinakabatang alkalde ng Victorias City sa Negros Occidental, Miyerkules, Hunyo 29.
Si Javi, 27, ay panganay na anak ni dating Negros Occidental Representative at ngayon ay Bacolod City Mayor Alfredo “Albee” Benitez at Dominique Lopez-Benitez.
Nanumpa siya sa tungkulin sa harap ng kanyang tiyuhin na si Negros Occidental Rep. Francisco “Kiko” Benitez, kasama ang kanyang mga magulang, kapatid na babae na si Bettina, at girlfriend na aktres na si Sue Ramirez, sa Victorias Sports and Amusement Center.
Inihayag ni Javi ang kanyang pagkandidadto sa pagka-mayor sa huling halalan noong Setyembre noong nakaraang taon.