Share:

By Frances Pio

––

Magsisimula na ang LRT-2 mag-alok ng libreng sakay para sa mga mag-aaral sa Agosto 22, ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera nitong Miyerkules.

Para maka-avail ng libreng LRT-2 ticket, kailangan lang ipakita ng mga estudyante ang kanilang school identification card (ID) o patunay ng enrollment sa mga passenger assistant sa station.

“Ang gagawin lang ng mga estudyante, ipapakita nila ang kanilang ID or kanilang proof of enrollment sa ating passenger assistance center. Kapalit nito ay bibigyan sila ng single-journey ticket na pwede nilang gamitin,” sinabi ni Cabrera sa isang public briefing.

Sinabi ni Cabrera na ang Libreng Sakay program para sa mga mag-aaral ay batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang ang mga paaralan at unibersidad ay unti-unting bumabalik sa full in-person classes.

Ipatutupad ng LRT-2 ang Libreng Sakay program nito para sa mga mag-aaral hanggang Nobyembre 5 at babalik sa pagbibigay ng regular na 20% na diskwento sa mga mag-aaral sa pagkatapos nito, sabi ng opisyal ng LRTA.

Maraming estudyante ang inaasahang makikinabang sa programa dahil ang LRT-2, na tumatakbo mula Recto sa Maynila hanggang Antipolo, Rizal, ay matatagpuan sa kahabaan ng “university belt” sa Maynila.

Leave a Reply