Share:

By: Margaret Padilla

Ayon sa kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos, hindi titira ang president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Palasyo ng Malacanang, kung saan siya lumaki sa loob ng dalawampu’t isang taong rehimen ng kanyang ama.

“Bago manalo ang kapatid ko, sabi niya hindi siya titira sa Malacañang,” ang pahayag ni Imee sa isang panayam sa kanya noong Miyerkules.

Sinabi pa ni Sen. Marcos na nagbiro silang magkapatid na ayos lang dahil ang ginawa niya noong bata ay tumakas nang tumakas mula sa Palasyo.

“We’ve actually come from there. Parang yung Malacañang hindi na masyadong napaguusapan kasi kung tutuusin, galing na kami doon. Labis-labis na ‘yong paninirahan namin doon,” aniya.

Ang mga Marcos ay pinaalis mula sa Malacañang ng EDSA People Power Revolution noong 1986. Si Ferdinand Marcos Sr., ang kanyang pamilya, at ang kanilang mga kroni ay naging sangkot sa malawakang graft at paglabag sa karapatang pantao.

“Ang importante ‘yung maahon namin ang pangalan namin, ang apelyido namin, ‘yung legacy ng tatay ko, mabalikan at tignan nang maigi,” sabi ni Sen. Marcos.

As of this writing, walang kinumpirma si Marcos Jr. o ang kanyang kampo tungkol sa paninirahan sa Malacañang. Ang petsa ng kanyang inagurasyon ay naka-iskedyul para sa Hunyo 30.

Leave a Reply