Share:

By Frances Pio

––

Ilang jeepney drivers sa Lungsod ng Bacolod ang nagpahinga mula sa pagbyahe nang sumali sila sa driver’s holiday sa gitna ng sunod-sunod na bigtime na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Sinabi ni Diego Malacad, Secretary General ng United Negros Drivers and Operators Center (Undoc), na ang aktibidad ay naglalayong manawgan sa gobyerno na tugunan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga driver at operator.

Sinabi ni Malacad na nais nilang ipakita sa gobyerno na ang mga jeepney driver sa lungsod at sa ilang bahagi ng Negros Occidental ay handang maghanap ng iba pang paraan para mabuhay tulad ng pagtatrabaho bilang construction o sugarcane worker.

“Ang krudo indi na gid ma agwanta (We can’t stand it (gas) anymore,” sinabi ni Malacad, dagdag pa niya na patuloy nilang isasagawa ang aktibidad hanggang sa bumaba ang presyo ng langis o ma-regulate ng gobyerno.

Sinabi ni Malacad na ang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Negros Bacolod Transport Coalition at idinagdag na humigit-kumulang 30 porsiyento sa kanila ay hindi magre-report sa kanilang mga operator upang maghanap ng mga alternatibong trabaho para sa kanilang ikabubuhay. Sinabi niya na hindi maaaring obligahin ng mga operator ang kanilang mga driver na bumiyahe dahil sa holiday.

Aniya, itinuturing nilang kalamidad ang pagtaas ng presyo ng langis, dahil lahat ay apektado, at idinagdag na ito ay nakakaalarma na. Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis, sinabi ng Malacad na hindi solusyon sa problema ang pagtaas ng pamasahe.

Leave a Reply