Matapos ang patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng Covid-19 sa bansa, nais ni President Rodrigo Duterte na magkaroon ng mass testing sa halos lahat ng tao sa Pilipinas.
Ayon naman kay Health Secretary Duque, hindi posible ang pagkakaroon ng mass testing sa lahat ng mamamayang Pilipino sa ating bansa. Ani niya, walang bansa ang nakagagawa ng mass testing sa buong populasyon,kahit ang bansang US ay hindi pa rin nagagawa ito.
Sagot naman ni President Duterte, 10 million na maitetest ay magandang bilang na upang mabawasan pa ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso na may Covid sa ating bansa.
Sa kasalukuyan ay mahigit 22,000-23,000 ang naitetest kada araw, malayo sa nais ng pamahalaan na 74,000 kada araw.
Ayon naman kay National Task Force Covid-19 Implementer Carlito Galvez, Nakapagte-test na po tayo isang araw ng more or less 27,000 tests a day. Pag na-reach po natin ‘yung 32,000, sinasabi po ng ating mga dalubhasa, we can save more than 4,000 to 6,000 deaths,”.
Mahigit sa isang milyon naman na ang naitetest sa ating bansa sa kasalukuyan, 68,898 na ang nagpositibo sa bansa, 23 072 ang bilang ng naka recover at 1,835 naman ang bilang ng mga namatay dahil sa Covid.