Si Malangas Mayor Marcelo Bacquial ay personal na hinatid ang labing isang residenteng nagpositibo sa COVID-19 sa isolation facility.
Personal na nagmaneho si Mayor Bacquial at sinundo ang labing isang nagpositibo sa COVID-19. Mula sila sa iba’t ibang barangay sa kanyang munisipalidad. Kinailangan na palitan ni Mayor Bacquial ang official driver ng ambulansya dahil 24 oras na itong nagmamaneho.
Sa tulong ni Local Disaster Risk Reduction and Management Office Attorney Joie Luza, sinundo ni Mayor ang mga pasyente. Ayon din sa detalye si Mayor na rin ang personal na bumili ng food supply para sa isolation facility upang maabot ang nutritional requirements ng mga pasyente.