Matapos sumailalim sa mas maluwag na quarantine measures ang NCR mula noong Hunyo ay muling pinagaaralan ng pamahalaan at IATF kung kailangan nila ibalik sa mas mahigpit na quarantine protocols o ECQ ang NCR matapos ang sunod sunod na araw na pagtaas ng bilang ng kaso na may COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang online media forum, maaaring maibalik sa mas pinahigpit na quarantine meaures ang NCR at maglalaan ng mas maraming pasilidad para sa mga dadagdag pang pasyente ng COVID-19.
Balak naman ng Department of Health na bumisita sa mga nilaan nilang pasilidad para sa COVID-19 upang impeksyunin ang mga ito. Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mga ospital sa NCR ay sapat pa upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyenteng may Covid sa Metro Manila.
Ayon sa datos na inilabas ng DOH noong June 30, ang Metro Manila ay mayroong 62.18% na critical care at isolation bed utilization, at umaabot sa 8.19 days ang pagdoble ng kaso ng Covid sa NCR.
Hindi maiiwasan na ibalik sa mas mahigpit na quarantine measures ang NCR kung patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.