Matapos magpositibo sa COVID-19 ang mahigit 172 na empleyado ng MRT-3 mas naging istrikto sila pagdating sa safety at health protocols na ipinapatupad.
Required na magsuot ang lahat ng empleydo ng MRT-3 ng PPE, face mask, face shield, gown at gloves.
Nasa 166 na empleydo sa depot ang nag positibo, apat na ticket seller, isang nurse at isang train driver ang kumpirmadong tinamaan ng virus.
Habang ang lahat naman ng empleyado ay isasailalim sa swab testing para malaman kung nagpositibo rin ba or hindi ang mga ito.
Isinasagawa naman nag ang pag didisinfect sa lahat ng pasilidad sa MRT-3 station. Samantala, binawasan naman nila ang mga tumatakbong tren na kung sa dati ay 16 hanggang 19 na tren ngayon ay 11 na tren na lamang ang magooperate.
Ngayong lunes na nagsimulang magoperate ang labing isang tren simula 6 am at meron naman sampung minuto na time interval sa kada istasyon ng tren.