Share:

Bumagsak ang mga kaso Zamboanga Sibugay – at wala man lang naitala noong Lunes, Oktubre 25 – ngunit ang nananatiling hindi maayos ang sitwasyon sa kabuuan sa Zamboanga Peninsula.

Habang ang lalawigan ay nakakakita ng downtrend sa mga kaso ng COVID-19, ang rehiyon ay nananatiling nasa watch list ng Department of Health (DOH).

Nitong Oktubre 24, pangatlo pa rin ang Zamboanga Peninsula sa listahan ng mga rehiyong apektado ng COVID-19 na ikinategorya ng Department of Health (DOH) bilang high-risk.

Ang utilization rate ng intensive care unit ng rehiyon ay umakyat mula 64.8% noong Oktubre 18 hanggang 71.2%. Ito ang pangalawang pinakamataas sa buong bansa, kasunod ng Cagayan Valley na nakapagtala ng 86.9%.

Nanatiling positibo si Dr. Arthur Luspo, former chief ng Zamboanga Sibugay Provincial Hospital at ngayon ay kasalukuyang provincial health officer, ayon sa kanya ang pinakikita ng latest data ay “indeed, there is a bright light at the end of the tunnel.” (By: Frances Pio)

Leave a Reply