Share:

Ayon kay Talisay City Mayor Gerald Anthony “Samsam” Gullas, susundin ng pamahalaang lungsod ang Kalag-Kalag (Undas) guidelines ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ibig sabihin, lahat ng sementeryo ay isasara mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2, 2021, ayon sa mandato ng pambansang ahensya.

“Ang ako raman gyod as a city mayor, I will follow the DILG. According to DILG, all cemeteries private or public will be closed. So as a city mayor, as government officials, we will follow,” Ayon kay Gullas.

Ininspeksyon ng alkalde ang mga pangunahing sementeryo ng lungsod noong Oktubre 26, 2021, bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga tao sa mga libingan bago ang Nobyembre 1 at 2.

Ayon sa alkalde, ang lahat ay nakaayos na sa mga sementeryo kabilang na ang pagpapatupad ng health guidelines, ang paggalaw ng publiko sa loob at labas ng mga sementeryo, gayundin ang koordinasyon sa pagitan ng mga barangay at stakeholders. (By: Frances Pio)

Leave a Reply