Share:

Ang mga Health offcials sa Soccsksargen noong Huwebes, Oktubre 21, ay nagsabi na ang mga menor de edad ay kailangang maghintay nang kaunti pa para sa kanilang pagbabakuna laban sa COVID-19 hanggang sa mabakunahan ng Department of Health ang kalahati ng matatandang populasyon ng rehiyon.

Ang paglulunsad ng pagbabakuna sa rehiyon ay pinabagal ng mababang numero ng pumupunta na mga nakatatandang residente para tumanggap ng Bakuna, isang bagay na pangunahing sinisisi ay pag-aalangan na magpabakuna.

“We have to vaccinate at least 50% of the qualified elderly population against COVID-19 before we can start the vaccine rollout for the pediatric group or those aged 12 to 17 years,” ayon kay Dr. Edvir Jane Montañer, immunization manager ng Department of Health (DOH) sa Soccsksargen.

Hanggang Miyerkules, Oktubre 20, ang bilang ng mga matatandang nagpabakuna sa rehiyon ay nasa 9.3% pa rin na mababa sa target ng DOH.

Leave a Reply