Share:

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), nais nilang maging malinis ang Manila Bay Dolomite Beach upang maging akma na paliguan bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa 2022.

“Ipinipilit po na bago ho matapos ang administrasyong ito ay maging swimmable na po iyang area’ng ‘yan,” Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda. 

Dagdag pa niya, “Nakikita naman po natin na talagang hindi ho imposibleng makamit natin dahil malaki na po ang ibinaba ng fecal coliform level po ng tubig natin.”

Nagbukas sa publiko ang Manila Bay Dolomite Beach nitong nakaraang Sabado matapos isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3. Kasabay nito ay ang mga panawagan ng ilang environmental groups na itigil na ang pagtatambak ng dolomite sa Manila Bay at gamitin na lang ang pondo para tugunan ang COVID-19 pandemic. (By: Frances Pio)

Leave a Reply