Hinihintay pa ng pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental ang instruction ng Department of Health (DOH) kung magagamit pa ba ang 14,620 doses ng AstraZeneca vaccines na nag-expire noong Nobyembre 30.
Ang 14,620 na doses ay nananatili sa imbakan sa cold room ng pamahalaang panlalawigan base sa utos ng DOH, sabi ni Dr. Claudelia Josefa Pabillo, cold chain coordinator ng Provincial Health Office.
Kung magagamit pa ang mga bakuna ay depende sa emergency use authority na inisyu ng Food and Drug Administration at mga tagubilin mula sa DOH, aniya.
Ang mga nag-expire na bakuna ay bahagi ng 45,300 AstraZeneca doses na dumating sa Negros Occidental noong Nobyembre 8. (By: Frances Pio)
