Kinailangan ng mga rural health units (RHUs) sa Lanao del Sur na tumanggap ng mga pasyenteng may COVID-19, dahil sa punuan na ang mga malalaking ospital dahil sa kasalukuyang surge.
Hindi na tumatanggap ang Amai Pakpak Medical Center (APMC) ng mga pasyente dahil hindi na kaya ng kanilang kakayahan na limitado lamang sa 200 higaan. Ang APMC ang pinaka malaking hospital na inaasahan ng Marawi City at Lanao del Sur.
Nitong Martes nanawagan si Hospital Chief of APMC Dr. Shalimar Rakiin sa mga tao na sa mga RHU muna magpunta.“We humbly request the public to immediately seek medical care to the nearest RHUs or other medical facilities in your area,” ika ni Dr. Rakiin. Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-angat ng mga kaso sa Mindanao.