Share:

Pinapaaresto ng Senado ang dating economic advisor ng Pangulo na si Michael Yang at kasama pa ang limang opisyal ng kompanyang Pharmally Pharmaceuticals Corporation. Naglabas ng arrest warrant nitong Martes, September 7, 2021, laban sa kanila dahil sa hindi pagsipot sa hearing.

Hindi nagpapakita sa hearing patungkol sa pandemic budget utilization ng Department of Health (DOH) si Michael Yang at ang limang opisyal ng kompanya. Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III ang pagpirma nya ng dalawang magkahiwalay na arrest warrant, para kay Michael Yang at sa limang opisyal na sina, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Krizle Grace Mago, Justine Garado, at Linconn Ong.

Ayon sa abogado ni Michael Yang sila ay magpapakita sa Senado sa susunod na hearing na gaganapin sa Biyernes, Setyembre 10, at nangakong sasagutin ang mga katanungan patungkol sa mga anomalya.

Leave a Reply