Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Inanunsyo ng COMELEC nitong Miyerkoles na sa Disyembre 9 na magsisimula ang Overseas voter registration.

Base sa anunsyong inilabas ng komisyon, “The Commission on Elections (COMELEC), through its spokesperson, Dir. John Rex Laudiangco announces several important activities that the poll body       is geared to undertake in the coming days and months.

These include the commencement of the overeseas voter registration on December 9, 2022 on most of the Philippine Embassies and Consulate Generals Worldwide,” dagdag pa nito.

Anang Office for Overseas Voting na si Director Sonia Bea Wee-Lozada, nararapat ding magsimula na ng voter registration sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taiwan sa kaparehong petsa.

Samantala, ayon sa OFOV Director, ang mga embahadang bukas para sa operasyon ay magsisimula sa Disyembre 11, bukas mula Linggo hanggang Huwebes.

Mananatili namang bukas ang nasabing pagpaparehistro hanggang Setyembre 30, 2024.

Kasama rin po sa resumption ng overseas voting registration ‘yung registration here in Manila, specifically, sa Office for Overseas Voting,” ani Wee-Lozada.

These are for, sa ating mga kababayan na palabas pa lamang. They know that they’ll be abroad on election day sa 2025. So, they can register na po bago sila ma-deploy,” dagdag pa niya.

Leave a Reply