Share:

Inaprubahan na ang pondo para sa expansion ng University of the Philippines–Philippine Genome Center (UP-PGC) sa Visayas at Mindanao ayon sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Agosto 27, 2021.

Nais palakasin ng gobyerno ang kapasidad ng bio-surveillance sa bansa lalo na sa panahon ng pagkalat ng Delta variant ng COVID-19.

Sa ngayon, ang UP-PGC ay may kakayahang lamang na iproseso ang 750 samples kada linggo upang matukoy ang variants of concern (VOCs). Dahil sa logistical problems nahihirapan ang mga rehiyon na magpadala ng samples sa Maynila para suriin.

Leave a Reply