Ayon sa Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) sa Lungsod ng Maynila nitong Linggo, Agosto 29, 2021, na kanilang ipapamahagi ang special risk allowance (SRA) ng kanilang mga health care workers (HCWs) ngayong linggo.
Nakatanggap ang ospital ng P21 million pondo mula sa Department of Health (DOH) nitong Biyernes, ayon kay Medical Director Dr. Samuel Ang.
Sinabi rin ng ospital at ng union ng mga empleyado na hindi sila sasama sa isasagawang “walk out” ng mga care workers ngayong darating na Lunes, National Heroes’ Day.