By Christian Dee
Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-doble ingat sa nalalapit na Kapaskuhan upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.
Para maiwasan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na dapat ay mag-ingat at mahigpit na obserbahan pa rin ang mga payo o health protocols.
Sabi ni Vergeire noong Huwebes sa isang public briefing, “We just want to remind the public this Christmas when there are parties, company outings and other activities that the COVID is still with us. There are still those vulnerable to it, especially the elderly.”
“We should be doubly careful. We must always see if the situation is for us to have activities, and always remember the safety protocols,”dagdag pa niya.
Bagama’t ang sitawasyon ay mas mabuti na kumpara sa nagdaang mga Pasko at pinapagaan na ng pamahalaan ang restriksyon, ipinarating din ni Vergeire sa publiko na dapat pa ring alalahanin na naririto pa ang virus.