By Christian Dee

Simula 12:01 ng hatinggabi hanggang alas-6 ng umaga bukas, Oktubre 4, 2022, inaasahan ang ika-5 linggong pagbaba sa mga presyo ng petrolyo. Bagama’t ipinatutupad na ngayong araw ang taas pasahe para sa mga pampublikong sasakyan, inaasahan pa rin ang pagbaba ng presyo ng langis.

Alamin kung magkano ang ibababa ng halaga nito ayon sa mga kompanya ng langis.

Ang presyo ng mga langis sa Caltex at Cleanfuel ay magbababa simula 12:01 ng hatinggabi. Sa Caltex, P0.40/L ang ibabawas sa halaga ng gasolina, P0.45/L ang diesel at P0.85/L naman sa kerosene. Samantala, ang gasoline naman sa Cleanfuel ay bababa rin sa P0.40/L, at P0.45/L sa diesel.

Bukas ng alas-6 ng umaga, asahan ding mababawasan ang presyo ng petrolyo mula Shell, Seaoil at Petro Gazz. Halagang P0.40/L ang ibababa ng gasolina, P0.45 para sa diesel at P0.85/L ang kerosene sa Shell at Seaoil. Sa Petro Gazz naman ay P0.40/L sa gasoline at P0.45L naman sa diesel.

Samantala, naikumpara rin na mas magiging mababa ang rollback na ito kaysa naunang naipabatid ng mga na sa industriya, dahil umano sa mataas na singil sa freight at premium.

Leave a Reply