Share:

Sa isang panayam kasama si Land Transportation Office (LTO) chief Edgar Galvante, ibinalita niya na simula sa ika-1 ng Hulyo, isususpinde na ang pagkuha ng mga student permit para sa mga bagong driver. 

Papayagan ang lahat ng nais kumuha ng student permit o student license kung ito ay nakapasa na sa 15-hour theoretical driving course na magsisimula sa ika-3 ng Agosto. 

“Effective July 1, isu-suspend muna namin ang pagiissue ng student permit kasi by August irerequire na dapat yung nagaapply ng student permit went through this 15 hours of theoretical session,”

Dito umano malalaman ang mga laws and regulations sa lahat ng mga nais mag maneho at ng LTO, sabi ni Galvante ang magsasabi kung saan sila kailangan mag enroll. 

“August 3, ire-require na na magdaan ka sa theoretical session kaya yung mga driving school saka LTO mismo meron na kaming set up kung saan kailangan mag-enroll sila,”

Leave a Reply