By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahan ang pag-ulan sa buong bansa sa darating na sa Lunes, Disyembre 12, bunsod ng epekto ng hanging amihan at Tropical Depression Rosal.
“At 3:00 PM today, the center of Tropical Depression “Rosal” was estimated based on all available data at 495 km East of Tuguegarao City, Cagayan (17.5ºN,126.4ºE) with maximum sustained winds of 55 km/h near the center and gustiness up to 70 km/h. It is moving Northeastward at 15 km/h,” saad ng PAGASA sa buod na kanilang inilabas ngayong Linggo.
Magiging maulap din at asahang mayroong pag-ulan at “thunderstorms” sa lalawigan ng Quirino, Aurora, Quezon, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro and Camarines Norte habang sa Metro Manila at sa iba pang bahagi ng bansa naman ay inaasahan ding magiging maulap nang bahagya hanggang maulap na may kasamang “isolated rain”.
Samantala, sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley ay makararanas ng epekto ng amihan na siyang may mahinang pag-ulan.
Ang mga sumusunod naman ay ang mga temperaturang saklaw sa mga lugar sa bansa:
- Metro Manila: 25 to 31 degrees Celsius
- Baguio City: 16 to 23 degrees Celsius
- Laoag City: 23 to 30 degrees Celsius
- Tuguegarao: 23 to 30 degrees Celsius
- Legazpi City: 25 to 31 degrees Celsius
- Puerto Princesa City: 24 to 31 degrees Celsius
- Tagaytay: 21 to 30 degrees Celsius
- Kalayaan Islands: 25 to 31 degrees Celsius
- Iloilo City: 25 to 31 degrees Celsius
- Cebu: 24 to 31 degrees Celsius
- Tacloban City: 24 to 31 degrees Celsius
- Cagayan De Oro City: 24 to 32 degrees Celsius
- Zamboanga City: 24 to 33 degrees Celsius
- Davao City: 24 to 33 degrees Celsius