By Christian Dee
MAYNILA – Nitong Linggo, Disyembre 11, isang drug suspect ang patay sa pamamaril sa Dasmariñas City, sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa ulat ng pulisya ng CALABARZON (Region 4A), ang suspek na nagngangalang Christian Dizon ay umalis sa kanyang tirahan sa Barangay Paliparan sa naturang lugar bandang alas-2:10 ng umaga para sa isang diumanong transaksyon kaugnay ang ilegal na droga.
Dagdag pa sa ulat na ibinahagi ng awtoridad, matapos ang ilang minuto, natagpuang patay si Dizon ng kanyang kapitbahay.
Nagtamo ng ilang tama ng bala mula sa baril na ginamit.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente.
