Share:

Magsisimula ang vaccination program para sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang sa lungsod ng Tacloban sa Biyernes, Nobyembre 5, 2021.

Sinabi ni Dr. Gloria Fabrigas, City Health Officer ng Tacloban, na sasaklawin ng pagbabakuna ang mga may comorbidities at ang iba pang pediatric population.

Sinabi niya na 1,240 slots ang available sa Biyernes sa Tacloban Convention Center, 167 sa Tacloban City Hospital, at 168 sa City Health Office. Hindi papayagan ang walk-ins.

Sinabi ni Fabrigas na dapat magpakita ng birth certificates, consent ng mga magulang o guardians, at medical certificate para sa mga may karamdaman ang mga makikinabang sa bakuna para sa mga menor de edad. (By: Frances Pio)

Leave a Reply