Share:

Epektibo nitong Martes, Nobyembre 2, boluntary na lamang ang paggamit ng face shield sa mga matataong lugar sa Lungsod ng Davao, inihayag ng pamahalaang lungsod.

“Davao City will no longer require the use of face shields in the 3C settings – crowded places, close contact, and confined and enclosed spaces and made it voluntary effective November 2, 2021,” ayon sa pahayag ng pamahalaang lungsod.

Nilagdaan ni City Mayor Sara Duterte ang Executive Order (EO) No. 51-A, Series of 2021, na kilala bilang “An Order Providing For The Guidelines On The Use of Face Shields,” noong Nobyembre 2, 2021, na nirebisa ang EO 51 na inisyu noong Setyembre 30, 2021, na nag-utos sa paggamit ng mga face shield sa “3C settings.” (By: Frances Pio)

Leave a Reply