Nitong Biyernes ang Department of Interior Local Government (DILG) ay nagsabing naglabas ito ng isang advisory upang paalalahanan ang mga unit ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagbabawal ng pagtitipon sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na isang patakaran ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pamamahala ng mga umuusbong na nakakahawang sakit.
Ang paalala mula sa DILG ay ginawa bilang paghahanda sa State Of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes, ika-27 ng Hulyo.
Ang patakaran na ipinagbabawal ang mga pagtipon ay ginawa sa ilalim ng isang resolusyon sa IATF.
Ayon sa DILG, “nagsasaad na ang lahat ng anyo ng pagtitipon ng masa ay ipinagbabawal sa ilalim ng community quarantine at kasama ang mga ralihista at demonstrasyon,”
“On our initial dialogue, we have agreed to that pero kakausapin pa kasi namin sila (grupo ng nagpoprotesta) kasi a new directive is being issued kahapon lang ito. Issued from chief executive galing sa DILG (Department of the Interior and Local Government),”Sinabi ni sinas sa Press Conference sa Quezon City.
“It is a directive subject for strict compliance of IATF (Inter Agency Task Force) Resolution No. 57, reiterating prohibition on mass gathering dated July 23, 2020,”