Share:

Pinabulaanan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagkakaroon di umano niya ng isyu sa pamilya ng Pangulo matapos itong mabanggit kahapon sa SONA ni Pangulong Duterte.

Ani ni Drilon, sa panayam ng Dobol B News TV sa kanya ay akala ng Pangulo na tinutukoy niya ang pamilya ng Pangulo patungkol sa kanyang pahayag ukol sa Political Dynasty. “Yan ay isang prinsipyo at ako ay naniniwala na may sapat na standard ang pangulo na kaniyang itutulak itong anti-dynasty law considering his political clout,” ani niya.

Matatandaan na tinawag ng Pangulo na “hypocrite” si Drilon sa kanyang SONA kahapon (Lunes) at inakusahan na may ugnayan siya sa Pamilyang Lopez na may ari ng network na ABS CBN.

Dagdag pa ni Drilon ay wala siyang ugnayan sa Lopez dahil di umano kahit ang kanyang political ads noong 2016 ay hindi rin naipalabas sa network na ABS CBN.

Ang isyu na ito ay nagsimula matapos hikayatin ni Drilon ang Pangulo na ipasa ang Anti-Political Dynasty na hindi naman para sa pamilyang Duterte dahil ang tatlong anak ng Pangulo ay sabay sabay ngayon na namumuno sa lungsod ng Davao.

Leave a Reply