Pinapalawak ng Philippine Airlines (PAL) ang mga serbisyo nito sa Iloilo sa pamamagitan ng muling paglulunsad ng mga ruta mula Iloilo hanggang Cebu at General Santos City sa Disyembre 7, 2021 at mula Iloilo hanggang Davao sa Disyembre 8, 2021.
Ang pinalawak na ruta ay magpaparami ng koneksyon sa pagitan ng Visayas at Mindanao para sa peak ng holiday season.
Maliban sa holiday season, ang mga bagong flight ay magpapasigla sa pagbangon ng ekonomiya habang ang iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao ay muling nagbubukas para sa negosyo at turismo. (By: Frances Pio)
