Nanawagan si Gov. Victor Yu ng Zamboanga del Sur sa Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang probinsya sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Naaalarma ang mga lokal na opisyal ng probinsya sa pagkalat ng Delta variant sa Mindanao. Dahil mabagal ang proseso upang malaman ang variant ng bawat kaso sa probinsya, malaki ang posibilidad na mabilis na kakalat ang Delta variant dahil sa maluwag na quaratine classification.
Ayun kay Gov. Yu, mas maaagapan nila ang pagkalat ng Delta variant kung ibabalik sa MECQ ang probinsya. Nagpasa na ng resolution ang Zamboanga del Sur IATF sa National IATF ng pahintulot na isailalim ng LGU ang probinsya sa mas mahigpit na quarantine.