Susuportahan ng ruling party ng Cebu City, Partido Barug, ang presidential bid ni Senador Bong Go at ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bise presidente.
Sa isang press conference nitong Martes, Nobyembre 16, inihayag ng Partido Barug ang inisyal na listahan ng mga national bets na kanilang ieendorso para sa May 2022 elections.
Bukod kina Go at Duterte-Carpio, susuportahan din ng partido ang senatorial bids ni incumbent President Rodrigo Duterte, kamakailan ay nagbitiw na tagapagsalita ng Palasyo na si Harry Roque at dating Vice President Jejomar Binay.
Partido Barug sinupurtahan si Bong Go sa pagkapangulo, Sara sa pagkabise
Susuportahan ng ruling party ng Cebu City, Partido Barug, ang presidential bid ni Senador Bong Go at ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang bise presidente.
Sa isang press conference nitong Martes, Nobyembre 16, inihayag ng Partido Barug ang inisyal na listahan ng mga national bets na kanilang ieendorso para sa May 2022 elections.
Bukod kina Go at Duterte-Carpio, susuportahan din ng partido ang senatorial bids ni incumbent President Rodrigo Duterte, kamakailan ay nagbitiw na tagapagsalita ng Palasyo na si Harry Roque at dating Vice President Jejomar Binay.
Sinabi ni Cebu City Acting Mayor Michael Rama, na namumuno sa Partido Barug, na ilalabas nila sa lalong madaling panahon ang kumpletong listahan ng mga senatorial candidate na ieendorso ng kanilang partido. (By: Frances Pio)
