Ang mga awtoridad ng pulisya na namamahala sa mga border quarantine checkpoints sa lalawigang ay magsisimulang ipatupad ang patakarang “No Vaccination Card, No Entry” nitong Martes, Nobyembre 16.
Sinabi ni Colonel Jibin Bongcayao, Maguindanao Police Director, na ang pagpapatupad ng bagong patakaran sa mga checkpoint sa hangganan ay batay sa executive order na inilabas ng pamahalaang panlalawigan.
Sinabi ni Bongcayao na ang mga walang vaccination card ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test na may tatlong araw na bisa.
Idinagdag niya na ang mga dadaan lamang o pupunta sa ibang mga lugar ngunit kailangang dumaan sa mga pangunahing daanan ng lalawigan ay dapat ding magpakita ng sertipikasyon na sila ay nabakunahan.
