By Christian Dee

MAYNILA – Nitong Biyernes, Abril 14, kasunod ng pag-anunsyo ng Korte Suprema sa listahan ng 2022 Bar passers, nagpaabot si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng kanyang pagbati sa mga pumasa.

“Congratulations to our 2022 Bar Examination passers!” ani Marcos sa isang pahayag sa kanyang official Twitter account.

“May you always serve our nation with integrity and compassion,” paghihimok ng pangulo sa mga pumasa.

3,992 aplikante o 43.47% ng 9,183 examinees ang nakapasa sa 2022 Bar exam na ginanap noong Nobyemre, base sa kalalabas lamang na resulta nitong Biyernes.

13 sa Top 30 passers ng 2022 Bar exams ay mula sa University of the Philippines, habang walo (8) naman dito ay mula sa Ateneo de Manila University, ayon kay Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa na siyang chairperson din ng naturang pagsusulit.

Kung ikukumpara, mas mababa sa 72.28 porsyentong passing rate noong nakaraang taon ang naging resulta ng 2022 Bar examination.

Leave a Reply