By Christian Dee

MAYNILA – Ipinakita na ng Presidential Communications Office (PCO) ang bago nitong logo ngayong Huwebes, Abril 13.

Sa official Facebook page nito at sa iba nitong social media accounts, sinimulan na rin ng PCO na gamitin ang bagong logo nito.

Makikita sa bagong logo ng PCO ang araw at tatlong bituin na matatagpuan din sa watawat ng bansa.

“Simula ngayong araw, gagamitin na ng Presidential Communications Office (PCO) ang bago nitong opisyal na logo upang mas mabisa nitong maibahagi ang misyon bilang pangunahing ahensya ng ehekutibo sa paghahatid ng impormasyon sa publiko,” saad ng PCO.

“Makikita sa bagong PCO logo ang araw na matatagpuan din sa watawat ng bansa, tatlong bituin na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao, isang pluma na sumasagisag sa pagsulat at komunikasyon, at kidlat na tanda ng mabilis na pagpapadala ng balita,” paliwanag nito sa mga simbolong nakapaloob sa bagong logo.

Nauna nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang reorganisasyon ng PCO upang mapagtibay ang mga aktibidad nito sa komunikasyon at siguruhin ang mahusay na pagbibigay ng serbisyo nito sa publiko.

Leave a Reply