By Christian Dee

MAYNILA – Magsasama-sama ang ilang Original Pilipino Music (OPM) icons na sina Dulce, Rey Valera, Apo Hiking Society, at Jim Paredes para sa isang pagtatanghal.

Ang “The Class of OPM” concert ay gaganapin sa darating na Mayo 3, alas-8 ng gabi, sa The Theatre at Solaire sa Parañaque City.

“The biggest names of OPM share one stage with a class of their own: Dulce, Rey Valera, APO Hiking Society & Marco Sison in The Class of OPM at The Theatre at Solaire on May 3, 2023.” saad ni Dulce sa kanyang Instagram post.

Maari nang makabili ng ticket sa TicketWorld ang mga nais makanood ng pagsasama-sama sa iisang entablado ng mga beteranong mang-aawit sa bansa.

Ang presyo ng ticket ay ang mga sumusunod:

₱3,000 SVIP

₱2,000 PATRON

₱1,000 BALCONY

Leave a Reply