By: Margaret Padilla
Nagdiwang ng kanyang ika-46 na kaarawan noong Huwebes ang ultimate heartthrob ng showbiz na si Piolo Pascual, at binati siya ng kanyang mga dating katrabaho sa nakatatawang paraan.
Una, nag-post si Lovi Poe ng behind-the-scenes video nila ng kanyang leading man sa “Flower of Evil” sa kanyang Instagram account.
“Sinong hindi pagpapawisan sa katabi mo? Wrong time to use lotion na 100 degrees sa labas. Tinupad nga ni Lord na makapartner mo si Papa P pero lagkitan ka naman but seriously… Happy birthday to my Mahal na lagi kaming pinapasaya ng ganito sa set,” sinulat ni Poe sa kanyang caption.
Kasunod nito, ibinahagi naman ng komedyanteng si Alora Sasam ang kanyang larawan kung saan sinusubukan niyang halikan si Pascual. Ayon sa kanya, ang kailangan lang daw niya ay imbitahan siya ng aktor sa kanilang kasal.
“Happy birthday Papa P. message ka lang kung magpapakasal na tayo, pag di ako naka reply agad wag kabahan nagpapa-load lang ako sa tindahan. Mahal kita,” aniya.
Samantala, ibinahagi ni Moi Bienne, ang matagal nang personal assistant ni Pascual, ang nakakatawa niyang pagbati sa kaarawan ng kanyang amo, na kaibigan din niya, na nagpapakita ng kanilang pagiging malapit.
Sa kanyang pagbati, pabiro niyang pinaalalahanan ang Kapamilya actor sa edad nito, na napag usapan nilang papayag na itong makipagrelasyon sa kanya.
“Happy birthday P.. mahal kita mula sa kaibuturan ng aking puso cheers!! hala konting panahon na lang 50 kana, magiging akin kana @piolo_pascual bwahahahahaha.. Chos,” ibinahagi niya sa Instagram.
Marami pang iba, kabilang ang mga tagahanga at kasamahan sa industriya, ang bumati ng maligayang kaarawan sa aktor sa iba’t ibang social media platforms gaya ng Instagram at Twitter.