By Christian Dee
MAYNILA – Ayon sa Department of Budget and Management nitong Biyernes, Enero 13, inilabas na nito ang pondong nasa mahigit P14 bilyon ang halaga para sa regular na pension requirements ng mga nagreretirong militar.
Inaprubahan na rin ng kalihim ng DBM na si Budget Secretary Pangandaman ang Special Allotment Release Order (SARO) noong Huwebes, Enero 1, ayon sa DBM sa isang pahayag.
Ang inaprubahang SARO sa Department of National Defense – Armed Forces of the Philippines ay nagkakahalagang P14,025,251,666.
Sinabi rin ng naturang ahensya na saklaw naman ng SARO at ng kaukulang Notice of Cash Allocation ang pension requirements mula Enero hanggang Marso 2023.
Ayon sa kalihim, ang paglabas ng naturang pondo para mga pension requirements ng mga nagreretirong militar ay isa sa mga inisyatiba ng pamahalaan upang kilalanin ang mahalang papel nito sa seguridad at katatagan ng bansa.
“It is our responsibility to make sure that our retirees, as well as their families, always get the benefits entitled to them,” ani Pangandaman.
“This is the least we can do to show them our sincerest gratitude and respect,” dagdag pa ng kalihim.