Lubos ang pasasalamat ni Vice President Leni Robredo sa suportang ibinigay sa kanya ng lokal na partidong pampulitika na nakabase sa Cebu na Bando Osmeña Pundok Kauswagan (BO-PK) kahit na pumili ito ng isa pang aspirant sa pagkabise presidente, at kanyang idiniin na ang mga tao ay malaya pa ring gumawa ng kanilang sariling mga pagpipilian.

Tinanong si Robredo sa isang press conference sa Cebu City nitong Lunes tungkol sa pag-endorso ng BO-PK sa kanya at kay Senate President Vicente Sotto III para sa presidential at vice presidential race — sa halip na ang kanyang running mate na si Senator Francis Pangilinan.

Ayon kay Robredo, na nakaupo sa tabi ng kandidato ng BO-PK at dating Mayor ng Cebu na si Tommy Osmeña, mas gugustuhin niya ang lokal na partido na iendorso si Pangilinan, ngunit ito ang nangyayari at naging desisyon ng lokal na partido.

“Siyempre kahit sino may laya na pumili ng gusto niyang kandidato. Of course, if you ask me, I would have preferred na BOPK endorses Kiko. Pero having said that, I am very thankful for the endorsement of the BOPK,” ayon kay Robredo.

Bukod pa riyan, sinabi ng Bise Presidente na ang relasyon niya sa mga Osmeña, lalo na kay Mayor Tommy, ay palaging personal kaysa sa pulitika, dahil naging matalik na kaibigan ng local chief executive ang kanyang yumaong asawa na si dating Interior secretary Jesse Robredo. (By: Frances Pio)

Leave a Reply