Share:

By Christian Dee

MAYNILA – Sinabi ng Direktor ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na si Rino Abad sa isang panayam na nagkaroon ng inaaasahang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo kada litro nito.

Ang rollback sa presyo ng petrolyo ay inasaasahan sa susunod na linggo, matapos ang ilang beses na pagtaas-presyo ng mga naturang produkto.

Ani Abad, lahat ng mga produkto ay nakaambang bumaba ang presyo.

Anang opisyal, ang inaasahang bawas para sa gasolina ay hindi bababa sa P0.50 kada litro, habang sa diesel at kerosene naman ay nasa P1.50 kada litro ang itatapyas.

Ayon sa isang source ng oil industry, nasa P2.10 hanggang P2.40 ang posibleng ibaba ng diesel batay sa oil trading nitong nakaraang mga araw, habang sa gasolina ay P0.20 hanggang P0.50 ang posibleng mabawas sa presyo kada litro.

Matatandaang naging epektibo ang taas-presyo ng diesel ng P2.10, kerosene ng P3.05, at gasolina ng P2.90 noong Martes, Enero 3.

Leave a Reply