Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Biyernes ang pagbisita sa Cebu, na isang vote-rich province, habang patuloy siyang hinihimok ng mga tagasuporta na tumakbo sa Halalan 2022 .
Si Mayor Duterte-Carpio, sa mga larawang ibinahagi niya sa Facebook, ay nakasuot ng berdeng hoodie na may katagang “Sara All 2022”, na kadalasang ginagamit ng mga tagasuporta na humihimok sa kanya na tumakbo bilang pangulo.
“Confirmed po ang aking pagbisita sa Cebu. Kausap ko ngayon ang aking pinsan na si Cebu 5th District Board Member Red Duterte,” ayon kay Mayor Sara.
Nag-file na ng kandidatura ang alkalde para sa kanyang re-election sa Davao City. Ngunit sinabi ng mga analysts na maaari pa rin siyang tumakbo para sa pagkapangulo bilang isang kapalit na kandidato hanggang Nobyembre 15. (By: Frances Pio)