Papayagan ang mga fully vaccinated na turista sa Boracay Island nang hindi nangangailangan ng negative result ng COVID-19 swab test kapag natapos na mabakunahan ang lahat ng eligible population sa isla.
Nakatakdang mabakunahan ang lahat ng eligible residents at tourism workers sa isla sa katapusan ng buwan.
Sa isang online press conference noong Biyernes ng Boracay Inter-Agency Task Force, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na nitong Oktubre 19, 11,779 sa 12,809 o 91.96 porsyento ng mga active tourism workers sa isla ang fully vaccinated na.
Ayon kay Sec. Puyat ay inaasahan nilang makumpleto ang target na mabakunahan sa katapusan ng buwan, kaya ang Boracay ang unang destinasyon ng turista sa bansa na fully vaccinated na ang mga manggagawa at residente nito. (By: Frances Pio)